Tagalog

الصفحة الرئيسية
Corona website FAQS (ReOrdered, Updated, Simplified)
 
Ano ang Coronavirus (MERC-CoV)?/ What is Coronavirus (MERC-CoV)?
 
Ang mga Coronaviruses ay isang tipo ng mga viruses na nagdudulot ng lagnat, at sa ilang kaso,
nagiging sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga/respiratoryo (SARS). Madalas maging sintomas
ng mga viral infections na ganito ang pagkakaroon ng mataas na init sa katawan, pagkakasakit ng
katawan, sore throat, malalang pagsipon at pagubo. Sa halos lahat ng kaso, tumatagal ito ng ilang
araw bago nawawala.
 
Nakikipagtulungan na ang Ministerio ng Kalusugan sa World Health Organization (WHO) upang
matuksan ang patolohiya ng virus na ito.
 
Bakit nakakahawa ang virus na ito/Why is this virus dangerous?
 
Limitado at hindi ganoon kalawak ang impormasyon hinggil sa sakit na ito gayundin kung papaano
ito lumalawak. Kaya naman patuloy ang isinasagawang pag-aaral ng mag dalubhasa hinggil dito.
 
Pinapaaalalahanan ng mga dalubhasa ang lahat ng mga mamamayan, mga residente maging
mga panauhin o dayuhan na sundin ang mga pamantayang gabay kalusugan upang mapigilan o
masawata ang pagkalat ng virus na ito at iba pang sakit respiratoryo.
 
Gaano kalaganap ang virus na ito sa kaharian ng Saudi Arabia?
 
Simula nang ito ay natuklasan, dumami na rin ang kaso ng mga biktima nito sa buong kaharian.
 
Kaya naman, palagiang mayroong bagong datos sa website ng Ministerio ng Kalusugan.
 
Paano ka mahahawa sa sakit na ito?
 
Paniwala ng mga kasapi ng pamayanang medical na napapalaganap ang strain na ito ng
Coronavirus tulad din ng ibang strains sa pamamagitan ng:
 
  • Direktang pakikisalamuha sa isang apektado sa pamamagitan ng droplets mula sa pagbahing at pagubo
  • Hindi direktang pagkasalamuha sa pamamagitan ng paghipo sa mga lugar o kagamitang kontaminado na ng virus at tsaka
  • Direktang contact sa maysakit o pasyente o kaya ay hayop na maysakit o mga produktong galing sa hayop ngunit kontaminado ng virus
Masusing nakikipagugnayan ang Ministro ng Kalusugan sa iba’t-ibang international organisations,
tulad ng World Health organization upang malaman ng may katiyakan paaano naipapakalat ang
virus sa tao at hayop man.
 
Naipapakalat ba ng virus mula sa hangin?
 
Mayrong malawak at matamang pagkakasundo sa medisina na hindi ito naipapakalat sa
pamamagitan ng hangin. The current medical consensus and evidence suggests that this is not the
case.
 
Masusing nakikipag-ugnayan ang Ministro ng Kalusugan sa iba’t-ibang international organisations,
kasama ang World Health Organisation (WHO), upang malaman kung papaano kumakalat ang virus
sa tao o hayop man.
 
Naaayon lang ba sa panahon ang pagkalat ng virus na ito?
 
Batay sa makabagong istadistika, mayroong pag sang-ayon na mayroon ngang naganap na
pagtaas. Kaya naman, lubos na nagtratrabaho ngayon ang Ministro ng Kalusugan sampu ng mga
medical teams upang maintindihan ang mga kadahilanan nito, gayundin malaman ang paggalaw o
asal-galaw ng virus at ang infection rates nito.
 
Papaano ko maiiwasang hindi mahawa sa virus na ito?
 
Limitado man ang kaalaman hinggil sa kalikasan at paraan ng pagkahawa ng coronavirus, mahigpit
ang ugnayan ng Ministro ng Kalusugan sa World Health Organisation, sampu ng iba pang mga
international experts, upang mapag-aralang mabuti ang virus na ito.
 
Nagkakaisa sa paniniwala ang mga experto sa medisina na nararapat malinaw sa mga
mamamayan, mga residente at mga bisita na gawin ang mga batayang gabay pangkalusugan
upang maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit tulad ng coronavirus sa pamamagitan
ng pagsunod sa mga alintuntuning nakasaad dito:
 
  • Hugasang mabuti ang mga kamay gamit ang sabon at tubig o ng anumang disinfectants, lalo na pagkatapos umubo, bumahing o kaya ay gumamit ng palikuran
  • Huwag kalimutang maghugas ng kamay, bago at pagkatapos maghanda ng pagkain o kaya ay magluto
  • Gumamit ng panyo kung uubo o babahing upang matakpan ang iyong bibig at ilong. Kung walang panyo, takpan na lamang ng anumang gamit o material ang iyong ilong at bibig kaysa gamitin ang kamay bilang takip
  • Iwasang idampi ang iyong kamay sa iyong mata, ilong o bibig sapagkat pinangangambahang naikakalat ang virus sa ganitong paraan, lalo na kapagka ang iyong nahawakan o kaya ay nadampian man lamang ang ibabaw ng bagay na kontaminado ng virus
  • Ayon sa pinakabagong medical consensus, hindi kailangang magsuot ng medical masks kundi ka naman bibisita sa isang maysakit na pasyente
  • Panatiliin ang isang malusog na pamumuhay tulad ng pagkakaroon ng balance sa pagkain, pagkakaroon ng mga gawaing pisikal at damihan ang oras ng pagtulog
  • Panatiliin ang magandang asal sa kalinisan
  • Huwag makisalamuha sa mga taong may impeksyon
  • Huwag kalimutang konsultahin ang iyong doctor at gawing madalas ang pagkuha ng impormasyon hinggil sa nasabing sakit mula sa Ministro ng Kalusugan
Ano-ano ang mga sintomas ng impeksyon?
 
Batay sa mga kaso, kabilang sa mga sintomas ang malala at nakamamatay na sakit sa baga o
pulmon, na sinamahan ng mataas na lagnat, pag-ubo at ang kahirapan sa paghinga
 
Tulad ba ng SARS ang Coronvirus MERS?
 
Mayroong malinaw na pagkakaiba ang Novel Coronavirus sa kanyang genetikong material kaysa
sa virus na nagdudulot ng SARS. Nagkakaroon pa rin ng masusing pagaaral hinggil dito at tiyak na
lalabas ang mas malinaw na kasagutan sa sandaling matapos na ang mga pagsusuri.
 
Mayroon bang epidemiko?
 
Walang epidemiko sa kasalukuyan, batay sa World Health Organization.
 Gayunpaman, gumawa
na ng mga paunang hakbang ang Ministro ng Kalusugan at pinatindi ang mga paraan upang
mapababa ang panganib ng pagkalat ng virus na ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga
international organisations tulad ng WHO at Centers for Disease Control.
 
Paano nakikipagtulungan ang Ministro ng Kalusuhan sa ibang mga sangay ng pamahalaan,
 
organisasyon at mga eksperto sa siyentipiko at komunidad medical?
 
 Pangunahing prayoridad ng Ministro ang kaligtasan ng publiko
Isinasagawa ng Ministro ng Kalusugan ang mga rekomendasyong ibinabahagi ng mga international
organisations lalo na ng WHO, lalo na hingil sa pakikisalamuha sa mga pasyenteng maysakit. Yaong
mga pasyente, kabilang na ang mga health practitioners na nakikipagugnayan sa mga pasyenteng
maysakit ay sumasailalim sa masusing pag-susuring may batayan
 
Papaano sinusuri ang mga bagong kaso?
 
Mayroong sinusunod pansamantala ang World Health Organisation na mga terminolohiya para sa
mga kasong mayroong pagkahawa sa virus gayundin mga
Sa sandaling magkaroon ng mas bagong impormasyon, tiyak na . kasama sa kasalukuyang
pagkakahulugan o depinisyon ang isang batayan o kriterya sa pagbibigay ng diagnostiko sa mga
pasyente batay sa pagsusuri at ang pagtataya kung siya ay nahawaan na ng Coronavirus at
pagtitiyak na siya nga ay mayroon nang impeksyon.
Batay ang mga kriteryang ito sa impormasyong
nakalap bunga ng clinical, epidemiological at mga eksaminasyon sa laboratoryo.
 
Ano ang mga procedures kung ang isang tao ay pinaghihinalaang kaso na ng impeksyon?
 
 Kailangang ihiwalay ang isang kumpirmadong kaso ng impeksyon. Tatlong specialized centers ang
itinatayo sa buong kaharian upang mapagtuunan ng matamang pansin ang mga kasong ganito.
 
Gaano na ba kalaganap ang virus na ito sa buong mundo?
 
 Marami nang iniulat na kaso sa Gitnang Silangan, sa Africa, Asya, Europa at Hilagang Amerika.
 
Ayon sa World Health Organisation at iba pang mga international organisations, patuloy silang
nagmomonitor ng sitwasyon at nagpapalitan at pagbabahagi ng kanilang mga makabagong
paraan at mga gabay gayundin ng kanilang mga pagsusuring klinikal upang mabigyang lakas ang
pamayanang medical ng impormasyon upang mabuting matugunan ang mga ganitong kaso.
 
Mayroon na bang vaccine para dito?
 
Wala pang vaccine na maaaring makasugpo sa virus na ito sa ngayon sa alinmang bahagi ng mundo
 
Mayroon na bang gamut laban dito? Papaano pinagagaling ang mga pasyente?
 
Wala pang masusing lunas o kaya ay vaccine para sawatain ang sakit na ito, ngunit, sang-ayon
sa pinaka-makabagong paying medical hinggil dito, kailangan lamang ng mga pasyente ang
pangangalaga upang mapagtagumpayan ang mga kumplikasyong sanhi ng sakit at mapababa at
tuluyang mawala ang mga sintomas nito.
 
Bakit karamihan ng mga kaso ng pagkahawa sa virus na ito ay nasasa kaharian ng Saudi Arabia?
 
Marami nang iniulat na kaso sa Gitnang Silangan, sa Africa, Asya, Europa at Hilagang Amerika.
 
Ayon sa World Health Organisation at iba pang mga international organisations, patuloy silang
nagmomonitor ng sitwasyon at nagpapalitan at pagbabahagi ng kanilang mga makabagong
paraan at mga gabay gayundin ng kanilang mga pagsusuring klinikal upang mabigyang lakas ang
pamayanang medical ng impormasyon upang mabuting matugunan ang mga ganitong kaso.
 
Ilang tao na ang carrier ng virus na ito?
 
Sa aming pagsusuri, ang taong nakisalamuha sa mga taong mayroon nang sakit ay maaaring
nahawaan na kahit na hindi pa sila nagpapakita ng sintomas. Noong 280 katao ang nakasalamuha
ng ilang mga taong mayroon nang sakit, siyam lamang sa kanila ang nagpositibo sa pagdadala ng
virus at wala sa kanila ang nagpakita ng sintomas ng sakit.
 
Kailangan bang mag screening sa mga taong may ubo o lagnat?
 
Sa kasalukuyan, walang pangangailangang i-screen o suriin ang mga pasyenteng may ubo o may
mga sintomas ng lagnat, ngunit ayon sa isang grupo ng mga siyentipiko at mga ekspertong medikal,
nagkakasundo silang baguhin ang kriterya ng kung sino lamang ang susuriin at nagkasundong
nararapat ito upang palawakin ang pagiingat laban sa pagkalat ng sakit.
Nagrekomenda na ba ng World Health organisation ng paghihigpit sa paglabas masok sa bansa o
 
kaya paghihigpit sa daloy ng kalakalan sa mundo?
 
Walang rekomendasyon ang World health organization sa paghigpit ng pagdaloy ng kalakal o kaya’y
paghigpit sa paglabas masok ng mga tao sa isang bansa bunag ng coronavirus.
 
Ano ang ginagawang hakbang ng pandaigdigang pamayanang medikal tungkol sa coronavirus?
 
Hindi pa masyadong tukoy ng mga eksperyo ang karateristiko o kalikassan ng coronavirus.
 
Gayunpaman, noong pag-usbong pa lamang ng virus na ito, nakipagtulungan na ang Ministro
ng Kalusugan sa maraming mga international organisations, tulad ng World Health Organisation
(WHO) gayundin sa ilang mga pandaigdigang sentro na nagsasagawa ng pag-aaral at pagmonitor
sa virus. Layunin ng pagsusuri ay magkaroon ng mas malawak na pagkaintindi ang mundo hinggil sa
pinagmulan, kalikasan, katangian, pagkalat at sintomas ng virus.
Sa sandaling matapos ang mga pagsusuring ito, maaari nang makapagbigay ng mas kumpleto at
mas malinaw na pagsasalarawan ang mga eksperto hinggil sa virus na ito at makagawa ng mga
hakbang tungo sa pagkatuklas ng lunas laban dito.
 
May mga itinayo na bang laboratory sa KSA at itinaas na ba ang kalidad ng mga ito?
Mayroong mga laboratoryo sa iba’t-ibang bahagi ng kaharian, dagdag ito sa mga magkakaugnay na
laboratoryo sa mga pagamutan sa buong bansa.
 
Alinsunod sa kasalukuyang pagkakaroon ng isang referential laboratory, sinusunod namin ang
kagawiang pandaigdigan lalo na sa mga kaso ng deteksyon ng mga bagong sakit, at nakatuon ang
aming atensyon sa iisang referential laboratory sa pambansang lebel; at upang mapangasiwaan
ang pagkalap ng mga karanasan mula sa mga manggagawa at maiwasan rin ang pagkakaroon
ng hindi tamang resulta, amin namang kinakalap ang mga ito alinsunod pa rin sa kagawian sa
pandaigdigang pamayanan.
 
Naging sanhi ba ng impeksyon o pagkahawa ng mga tao ang dialysis device sa Al-Ahsa Region?
 Masusing inimbestigahan ng Ministro ng Kalusugan pati na ng mga eksperto ng WHO ang Al-Ahsa
region at kumpirmadong walang naging pagkahawa ng sakit bunga ng paggamit ng dialysis device
na ito.
 
Paano nagiging bukas sa impormasyon at gaano kabukas sa pagbabahagi ng balita ang Ministro ng Kalusugan?
 
Mayroong takdang layunin ang Ministro na ipagbigay alam sa publiko ang mga kompirmadong
kaso ng pagkahawa batay sa sinusunod na mga alintunin ng pagiging bukas ng Ministro sa mga
impormasyong ibinabahagi sa midya. Ipinagbibigay alam agad ng Ministro sa lahat ng mga
mamamayan at residente ang mga makabagong balita hinggil sa bagong virus na ito mula sa MOH
press releases.
 
Binuksan din namin sa publiko ang MoH website upang mabatid ng lahat ang mga beripikadong
impormasyon gayundin bukas sa publiko ang aming hotline.
 
Mahalagang mabatid ng mga tao ang tungkol sa isyung ito sapagkat bahagi ng solusyon ang mga
mamamayan upang hindi kumalat ang virus na ito. Kung nabigyang lakas ang mga mamamayan
ng karunungan hinggil dito, at biglang nagpakita itong virus na ito,makakatulong ang mga
mamamayan upang mapalakas ang aming mga ginagawa upang hindi na ito kumalat pa.
 
Ano ang gagawin ng Ministro ng Kalusugan sa sandaling magkaroon ng di inaasahang
 
pagbulusok pataas ng mga kaso ng impeksyon sa isang paaralan o pagamutan o anumang lugar?
 
Itinatayo na naming ngayon ang mga kaparaanan upang ligtas at agarang mabigyang lunas ang
anumang maaaring maganap, sapagkat prayoridad namin ang pambansang kalusugan at kaligtasan
at hindi mangingimi ang Ministro na gumawa ng mga aksyong nararapat upang mapanatili ang
pambansang kalusugan at kaligtasan.
 
Isasara ba ang mga paaralan? Ano ang mga dapat alam ng mga magulang?
 
Sa kasalukuyan, walang planong isara ang mga paaralan bunga ng MERS corona virus, ngunit
hindi mangingimi ang Ministro ng Kalusugan na gawin ang mga nararapat na hakbang upang
mapangalagaan ang pambansang kalusugan at kaligtasan. Kailangang makipag-ugnayan sa mga
doktor ang mga magulang kung may suspetsa silang ang kanilang mga anak ay nagtataglay ng
mga sintomas ng sakit at mahalaga ring ipanatili muna sa bahay ang mga batang nagpapakita ng
sintomas ng ubo o lagnat.
 
Maaari bang mahawaan ang isang taong may pakikipagugnayan sa mga kamelyo o yaong mga taong kumakain ng mga produktong mula sa kamelyo?
 
Sa isinagawang medical conference noong Martes, 29th
pandaigdigang eksperto na nararapat iwasan ng publiko ang mga sumusunod:
 ng Abril, nagkasundo ang mga lokal at
  • Pagkain ng hilaw na karne ng kamelyo kasama na dito ang apdo gayundin ang unpasteurized na gatas ng kamelyo.
  • Paglapit sa mga may sakit na kamelyo
Gayonpaman, maaari namang kainin ang mga karne ng kamelyo na pinakuluan o iniluto o kaya ang
mga pasteurized na gatas ng kamelyo.
 
Ano ang mga paghahandaang isinasagawa para sa Hajj?
 
Wala sa kasalukuyang paghihigpit sa paglalayag, sang-ayon sa abiso ng WHO. Kailangang panatiliin
lamang ng mga tao ang pansariling kalinisan upang hindi kumalat ang virus.
 
Wala ring planong isara ang mga paaralan bunga ng MERS Corona virus, ngunit mayroon nang mga
paghahanda sa sandaling pumutok ang anumang pangyayaring may kaugnayan sa virus na ito.

آخر تعديل : 18 شعبان 1435 هـ 01:08 م
عدد القراءات :